Tips Sa Pag-Iinvest Sa Isang Negosyo


Magandang araw Marino! Isang makabuluhang artikulo para sa iyo. 

 

Alam mo ba na ayon sa pag-aaral, 90% daw ng mga bagong tayong negosyo ay nagsasara?! Ito ay naka publish sa isang article ng Forbes.com noong January 17, 2015.

 

Ibig sabihin, kung may balak kang magnegosyo at iniabot mo ang pinaghirapan mong pera bilang isang Seaman sa isang kaibigan para magpatakbo ng negosyo, may chance ka lang na 10% na mabawi ang puhunan mo?!

 

Oo, mataas talaga ang risk ng pagsisimula ng negosyo, pero alam mo ba na kung ikaw yung tipo na makakaisip na mag-invest sa 10 iba’t ibang negosyo ng basta-basta lang sa paniniwalang 1 sa 10 ay mabubuhay… edi para ka lang tumaya sa lotto?

 

Para sa iyo kababayang Marino, ito ang 3 tips para kahit papaano ay maging mas wais tayo sa paglabas ng pera para sa pagnenegosyo, hindi bagsak na lang ng bagsak at maghintay na may dumating na tubo.

 

 

TIP NO. 1:

 

Kanino mo ibibigay ang pera?

 

Meron tayong tinatawag na “historical experience” sa negosyo.  Kung magsasaliksik ka ng kaunti sa pagnenegosyo, malalaman mong ang isang tunay na negosyante pala ay karaniwang nagdadaan sa napakadami at walang katapusang problema ng negosyo.  Dun sila natututong magdesisyon at lumaban para mapakita ang puhunang pinaghirapan.

 

Kung magbibigay ka ng puhunan o tinatawag nating “business investment”, alamin mong maigi kung ano na ba ang karanasan ng magpapatakbo ng negosyo mo. 

 

Pinkamaganda pa din na maibahagi ang puhunan sa tunay na wais at experienced na negosyante na.

 

TIP NO. 2:

 

Ang kasunduang nakapapel

 

Sabi ng isa sa pinakapaborito kong speaker na si Francis Kong, kung mag-aasawa ka, kelangan may papel, hindi pwedeng tiwa- tiwala lang at love.  Ganon din sa pagnenegosyo, hindi dapat magbahagi ng puhunan ng walang pirmadong kasunduan, dahil minsan hindi pwedeng isang pitik lang ng emosyon, dala na lahat ng pinaghirapan mong pera.

 

Wag lang mahiya na sabihan ka ng, “wala ka bang tiwala sa akin?”  Hindi ba’t sa marriage contract may tiwala ang mag-asawa sa isa’t isa?  Ganoon din sa negosyo.  Kapatid, pahalagahan ang business agreement, dahil ito ang magiging batayan ng partehan ng assets o pag mamay-ari ng negosyo

 

TIP NO. 3

 

Mag-invest sa REHISTRADONG NEGOSYO

 

Huwag natin kalimutan na dahil maglalagay ka ng puhunan sa isang negosyo, siguraduhing legal ito at may papel.  Lalo na kung malakihan ang ibibigay na pera.  Tandaan natin na ang tao na pagbibigyan mo ng pera at ang negosyo na iyong pamumuhunan ay magkaiba, ito ay tinatawag na “separate entity”.

 

Kung talagang seryoso sa pagnenegosyo, siguraduhing rehistrado!

 

Marami ka pa bang nais malaman? Tamang tama dahil magkakaroon ng MariKnowVest 2020 na sadyang binuo para sa mga Marino. 

 

Tuloy-tuloy lang ang mga karagdang tips, like our Facebook Page (@iefapp.ph) para lagi kang updated!