Negosyong Marino


Ang dami kong business dati, yung mga maliliit. Ang naiisip ko noon, ahat ng small businesses na ‘yon ay may sum up big later on, if I build a few small at a time.

 

Ang dami kong na-experience sa pagbabarko na nagtulak sa akin para mangarap na makapag-build ng empire of mini businesses, at least I have an option para sa sarili ko; o kaya para makapagbakasyon ng mas matagal at makabawi sa birthday ng mga anak ko at kahit sa graduation nila; o kaya para sa mga anak ko upang di nila maramdamang hindi ako ibang tao lalo na sa sarili kong pamamahay; o kaya para hindi masanay ang misis ko na wala ako; o kaya para mawala na yung takot sa akin na mamatay sa gitna ng dagat.

 

I opened multiple businesses, invested in a lot of other people’s businesses as well and truth be told… wala akong naaalalang bumalik sa aking return.

 

I am grateful for my career, so grateful na hindi ko na masyadong iniisip yung mga nalugi kong mga negosyo because it’s always been enough for me to cover up.  But then again, nagising na lang ako isang araw and figured out na parang naging habit ko ng isipin na every business and every investment was a non-systematic gambling.

 

A friend asked me, “Bakit ganon?  Naririnig ko kayo mag-usap 1M ang investment tapos wala kayong masyadong tanong?”

 

“Sobrang yaman nyo naman para ibagsak yung 1M ng ganon lang.  Sinabihan ka lang na ROI in 3 years okay na yun sa inyo?” 

 

“E ano kung kilala niyo yung magpapatakbo ng negosyo, e ano kung mataas ang integridad niya, ibig sabihin nun tiwa-tiwala na lang?  Sa negosyo labanan ng sistema yan.  Kung integridad lang ang usapan, edi ang daling magpalaki ng negosyo diba?”

 

Naaalala ko ang sarili ko na unti-unting nagiging biktima sa mga kaliwa’t kanang investment believing and hoping na may babalik sa akin at magbibigay ng long term return.  But my friend was right, I should have known better.

 

But then again, na-train ako para maging isang marino so don’t expect me to think like someone who knows so much. The same friend of mine made me realize na kahit mahirap, hindi nakapagtapos na tao ay nagsa-succeed sa negosyo, taong walang braso at mga binti naging isang motivational speaker, at isang disabled person ay nakatapos ng triathlon! I was told that from my perspective, ginagawa kong excuse ang pagiging marino ko as a source of mediocrity to all the failed investments that I made! There was a sort of resistance in my brain, pero parang tama! I might have just been a mediocre – business gambler after all.

 

“Natural ang malugi!  Tuition fee nga ang tawag don di ba?  Pero kung nalugi ka na, inulit-ulit, ulit at ulit mo lang yung dati mong ginagawa, anong ineexpect mo? Magtatanim ka ng damo, tutubo ng puno? Magtatanim ka sa semento ng paulit ulit tapos mag-aantay ka ng may mabubuhay?”, my friend annoyingly told me.

 

In-emphasize ng kaibigan ko that I should have noticed that the results were not changing, kasi hindi at wala akong binabago sa means and ways ko.  Pero paano ba ako magbabago??! Ano bang dapat kong gawin?

 

My friend started pulling me in different meet ups, trainings and coffee discussions with different kinds of people. Simula sa mga successful na mga entrepreneurs, papunta sa mga magagaling na speakers, at sa mga real-time big investors.  Lahat ng mga meet ups and discussions ay parang isang taon na schooling. There was one thing that I did not do before… meet people who thinks the way I hope I did.

 

Noong una sobrang intimidated ako, di komportable at feeling ko outcast ako.  But despite of such feeling, sobrang nagagandahan at naa-amaze ako sa mga naririnig ko. It takes willingness to get out of one’s comfort zone to really widen one’s perspective.

 

Natutunan ko na importanteng paligiran ko ang sarili ko, hindi lang ng inspiring people but also with people who will make you think, feel and soar like an eagle!

 

Ito ang dahilan ko kung bakit ko sinusuportahan ang mga program ni IEF, kasi gusto ko ding i-share ang na-experience ko sa mga kapwa ko marino.

 

We are proud seafarers, we are tough, we value integrity and we do not choose mediocrity!  This MariKnowVest Event is for all of us, “EAGLES OF THE SEA!”