Confessions ng Isang Marinong Nabiktima at Nagamit ng Scammer


Kabaro, nawa ay basahin mo nang buo ang article na to dahil ang manloloko, manggagantso at walang habas na mga scammers na yan ay hindi titigil.  The best we can do is not to be victimized by them and not “to be used” to victimize others.  Kung cancer sila ng lipunan, na daig pa ang mga ganid na opisyal ng gobyerno, hindi tayo, hindi ikaw at ako ang magiging pagkain nila!  Hindi tayo ang magiging daan sa pag-unlad ng mga professional scammers na yan at hindi tayo ang magiging daan para maisahan pa ang ibang Pilipino! Sa paraang ito, malaki ang maitutulong natin sa lipunan! Narito ang aking salaysay…

 

Isa akong Marino, hindi ko sinasadyang maging daan ako para ma-SCAM ang maraming Pilipino dahil nag-invest lang naman ako.

 

Patawad! Akala ko nang makatanggap ako ng halos 300% ROI sa investment na pinasukan ko sa probinsya namin sa Lucena ay okay lang yon. Wala naman akong masamang intensyon at wala din akong muwang na SCAMmer pala sila. At dahil naipamalita ko sa iba na “Oo totoo na malaki ang balik sa investment na yan!” naging daan na pala ako para ang ilan sa mga kababayan ko ang umasa, maniwala at magtiwala.

 

Ang alam ko legit sila! Wala din akong alam sa plano nila, at isa pa, marami kami noon. Yung 150,000 ko naibalik sa akin ng halos kalahating milyon in less than 1 year, paano ko masasabing manloloko sila? 

 

Pero nabalitaan ko nalang sa nanay ko na madami daw ang nagbenta, nagsanla at nangutang dahil sa tiwalang naibigay ng kababayan ko sa mga “walang kaluluwang manloloko” na yan gamit ang mga testimonial ko at ilan pa sa mga kasamahan kong Marino. Isama mo pa ang mangilang OFW na unang nag invest at nabalikan ng malaking return. Sila, na matapos saidin ang natitirang kabuhayan dahil sa pag-asang 300% ROI ay magiging biktima rin sa huli.

 

Hindi ko sinasadya! Hindi ko din alam na ang gantong strategy pala ay parte ng SCHEME na tinatawag na SOCIAL PROOF.

 

Ibinabahagi ko ang istorya ng aking buhay upang hindi magtagumpay ang masasamang balak ng ilang huwad na negosyo. Maihahalintulad ko sila sa mga lintang sumisipsip sa pinaghirapan ng bawat tahanan. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil may taong tumulong sa akin upang i-explain ang ganitong uri ng scheme o strategy sa panloloko.

 

Ang article na ito ay published ng IEF, Inc. para sa MariKnowVest campaign. Isa itong event na kung saan bibigyan ng boses ang ilan sa Marino na naloko at gawin silang certified Marinong Marunong Mag-invest… in short, MariKnowVest.

 

Dahil isa ako sa mga advocate ng MariKnowVest, ito ang nais kong iparating sa inyo:

 

1. Ang isang investment business na nais manloko ay mas malamang na gumagamit ng “SOCIAL PROOF” over “PROFITABILITY PROOF”.

 

Ang social proof ay pagkalap ng mga testimonials na magpapatunay na ang pangakong balik ay na-experience ng ibang tao.  Dahil sa testimonial experience na ito nagiging mukhang may integridad ang investment.  Ang catch dito ay “tunay na ROI” o totoong nakapagbigay ng return. Ang goal kasi talaga nila ay maging patunay ka sa mga pangakong binibitawan nila.

 

Sa simula, the higher the investment amount, the higher ROI na naibabalik nila. Mas legit at mas ma-integridad ang dating nila!

 

Sa MariKnowVest, ipinaalam sa akin ang difference ng social proof at profitability proof.  Mahalaga pala na humihingi ka ng pruweba na ang kompanya o investment business na binigyan mo ng pera ay nagpapakita ng patunay ng source o pinangagalingan ng kita o return na binigay nila sa ‘yo.  Ito ay nangangahulugan na ang return na binigay niya sa ‘yo ay galing sa business profit o kita ng negosyo at hindi bulsa ng ibang tao.

 

2. Ang social proof ay parte ng isang grand SCAM masterplan!

 

Ang ROI na binibigay ng isang huwad na investment ay parte ng malakihang plano nila na makapagpaniwala ng mas marami pang tao. Ika nga kadalasan kasi complex ang explanation ng business at investments kaya minsan mas titingnan na lamang ng investor kung totoo ito sa ibang tao kesa pilitin pang intindihin ang mga complex explanations ng business.

 

In short, hanggat may maloloko, manloloko sila!

 

3. Pare-pareho tayong mga Marino na naghirap at nagsakripisyo sa pagtatrabaho, hinarap ang panganib, at inibsan ang lungkot na dala ng gitnang dagat… pero hindi ito sapat na dahilan para hindi tayo makialam o hayaan na lamang na hindi sapat ang ating kaalaman tungkol sa mga investments! Maging MariKnowVest tayo mga Amigo!

 

- Source of the article requested his name not to be mentioned -